Batas na iniakda ni dating Sen. Trillanes, nais ipawalang-bisa ni Deputy Speaker Pulong Duterte

By Erwin Aguilon April 29, 2020 - 04:35 PM

Ihahain sa Kamara ni Deputy Speaker Paolo Duterte ang isang panukala para ipawalang-bisa ang Republic Act No. 10912 o ang Continuing Professional Development Act of 2016.

Ang CPD law na iniakda ni dating senador Antonio Trillanes IV ay nag-oobliga sa mga professional na kumuha ng Continuing Professional Development (CPD) units para sa renewal ng kanilang Professional Identification Card.

Para kay Duterte, hindi na kailangan bukod pa sa anti-professional ang CPD law.

Bagama’t sinusuportahan daw niya ang lifelong learning ng mga professional para lalong pag-ibayuhin ang kanilang kakayahan, dagdag-pahirap ang itinakdang requirements ng naturang batas.

Naniniwala ang kongresista na magagawang tulungan ang mga professional na makamit ang global standards sa ibang paraan nang hindi na sila kailangang pahirapan.

Hihingin ng Presidential son ang suporta ng mga kapwa-kongresista para matiyak na maipapasa ang kanyang panukala.

Magsisilbi na rin aniya itong pasasalamat sa professional frontliners na patuloy na nagseserbisyo sa bansa lalo na sa panahon ng krisis.

TAGS: Continuing Professional Development Act of 2016, Deputy Speaker Paolo Duterte, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Republic Act No. 10912, Continuing Professional Development Act of 2016, Deputy Speaker Paolo Duterte, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Republic Act No. 10912

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.