3 pampublikong paaralan sa Gensan, gagamiting isolation rooms
Kahit nananatiling COVID-free ang General Santos City, naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng pasilidad para gawing isolation room.
Ito ay kung sakaling may maitalang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Labingtatlong na silid-aralan ang inilaan mula sa Jose Catolico Sr. Elementary School, New Society Elemnetary School, at Jose P. Laurel Central Elementary School para maging isolation room.
Gagamitin ang mga kwarto para sa mga maitatalang Person Under Investigation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM) sa lungsod.
Aabot sa mahigit 20 pasyente ang capacity ng bawat paaralan.
Nakahanda na rin ang mga hospital beds at PPEs na gagamitin ng mga pasyente at frontliners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.