8.3 milyong pamilya tumanggap na ng cash assistance sa ilalim ng SAP
Umabot na sa mahigit 8.3 milyon na pamilya ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, 45.9 percent palang ito ng target na 18 milyong pamilya.
Sa naturang bilang, mahigit 3.7 million ay Pantawid Pamilya beneficiaries habang mahigit 4.5 million ang tinarget na pawang vulnerable sector.
Mayroon namang mahigit 40,000 nang PUV drivers ang tumanggap na ng tulong-pinansyal.
Sa kabuuan ay umabot na sa P43 billion ang na-disburse na pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.