1,336 healthcare workers sa bansa, nagpositibo sa COVID-19 – DOH
Nadagdagan pa ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umabot na sa 1,336 ang medical workers na apektado ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 507 ay nurse habang 493 naman ay physician o doktor.
Narito naman ang naitalang kaso sa iba pang health worker:
– Nursing assistant – 74
– Medical Technologist – 47
– Radiologic Technologist – 28
– Midwives – 11
– Respiratory Therapist – 11
Sinabi pa ni Vergeire na mayroon pang 165 na iba pang health workers na apektado ng COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang dentista, barangay health workers, administrative aids at iba pa.
Sa nasabing bilang, 29 ang nasawi dahil sa nakakahawang sakit kabilang ang 22 doktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.