Apat na probinsya, hindi na isasailalim sa ECQ simula sa May 1
Hindi na isasailalim sa enhanced community quarantine ang apat na probinsya sa bansa simula sa May 1.
Sa press conference, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kabilang sa mga inalis sa ECQ ang Aklan, Capiz, Davao del Norte at Davao de Oro.
Ang mga nabanggit na lugar ay unang inanunsiyo na sasala sa beripikasyon kung mapapasama pa sa ECQ o hindi.
Samantala, magtutuloy pa rin ang pag-iral ng ECQ sa mga sumusunod na lugar:
– National Capital Region
– Region 3 (Central Luzon), maliban sa Aurora province
– Region 4-A (CALABARZON)
– Panganisasn
– Benguet
– Baguio City
– Iloilo province
– Cebu province
– Cebu City
– Davao City
Ang mga lugar na hindi nabanggit sa listahan ay isasailalim as general community quarantine simula sa May 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.