WATCH: Pitong cruise ship na nakadaong sa Manila bay lulan ang mga Pinoy crew binabantayan ng Coast Guard

By Dona Dominguez-Cargullo April 28, 2020 - 08:12 AM

Pitong cruise ship ang binabantayan ngayon ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard na pawang nakadaong sa Manila Bay.

Ang nasabing mga cruise ship ay may lulang Filipino Seafarers at nakatakda silang bumaba ng barko.

Sinabi ng coast guard na nakikipag-ugnayan sila sa Bureau of Quarantine (BOQ) para matiyak na masusunod ang health protocols sa pagpapababa sa mga Pinoy crew.

Mananatiling nakabantay ang coast guard hanggang sa pagbiyahe sa mga crew patungo sa quarantine facility kung saan sila sasailalim sa mandatory 14-day na quarantine.

Kabilang sa mga barkong nakadaong ngayon sa Manila Bay ang Carnival Spirit, Sapphire Princess, Voyager of the Seas, MV Cunard Princess at tatlong iba pa.

Tinatayang 428 na Pinoy crew ang nauna nang nakababa mula sa isa sa mga cruise ship nitong nagdaang weekend.

Isa-isang kailangang i-check ng BOQ ang health condition ng mga Pinoy crew bago sila mabigyan ng clearance.

 

 

 

 

TAGS: coast guard, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, seven cruise ships, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coast guard, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, seven cruise ships, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.