Lalaki nahulihan ng bote-boteng alak, baril at mga bala sa checkpoint sa Payatas

By Dona Dominguez-Cargullo April 28, 2020 - 07:54 AM

Arestado ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng bote-bote ng alak, baril at mga bala nang parahin siya sa checkpoint sa Barangay Payatas sa Quezon City.

Kinilala ng mga tauhan ng Quezon City Police ang suspek na si Brando Busca, 39 anyos na residente ng Brgy. Commonwealth.

Sa imbestigasyon, hinarang ng mga nakamando sa checkpont ang isang kulay puting Nissan pick-up na may plate number na NCJ 5168 para isailalim sa thermal scanning.

Sa isinagawang inspeksyon, nakita sa loob ng sasakyan ang 27 bote ng emperador light na tig-iisang litro.

May nakumpiska rin sa suspek na isang 9MM na baril, dalawang magazine na may 15 mga bala

May dala din itong cash na aabot sa P12,600.

Dinala na sa Station 6 ng QCPD ang naturang suspek.

 

 

 

 

TAGS: checkpoint, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, man arrested, News in the Philippines, Payatas, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, checkpoint, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, man arrested, News in the Philippines, Payatas, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.