FDA, DOST inatasan ni Pangulong Duterte na kumuha ng dagdag na mga tauhan para makapag-operate ng 24-oras
Nais ni Pangulong Rodrigo Dutertre na makapag-operate ng 24 na oras ang Food and Drug Administration at Department of Science and Technology (DOST).
Sa kaniyang televised public address, inatasan ng pangulo ang FDA at ang DOST na mag-hire ng mas maraming tauhan para maging 24 hours ang operasyon nito ngayong may krisis na kinakaharap ang bansa sa COVID-19.
Maari na aniyang mag-hire ng mga med tech o medical graduates ang dalawang ahensya kahit naghihintay pa ng resulta ng medical licensure exams ang aplikante.
“Iyong sabi ko we are not operating under normal battle conditions sabi ko. We are operating in a crisis. Kaya sabi ko for the FDA and ‘yung kay Boy, Secretary sa DOST, mag-doble sila ng tao. And the FDA pati ‘yung mga laboratories ng DOST, Boy, they must — your offices must run 24 hours. So magdagdag kayo ng maraming medtech o ‘yung mga naka-graduate na ng doktor naghihintay lang ng results or anybody of nandiyan sa health services,” ayon sa pangulo.
Umapela ang pangulo sa mga nais mag-serbisyo na makipag-ugnayan sa DOST at FDA.
Sinabi ng pangulo na krisis ang nilalabanan ng bansa kaya dapat umaga at gabi at tuluy-tuloy ang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.