Heat index sa Metro Manila sa April 27, nasa 37 degrees Celsius
Naging mainit at maalinsangan ang naramdamang panahon sa Metro Manila, araw ng Lunes (April 27).
Ayon sa PAGASA, umabot sa 37 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa bahagi ng Science Garden sa Quezon bandang 1:50 ng hapon.
Mas mababa ito kumpara sa naitalang 40 degrees Celsius noong Linggo, April 26.
Samantala, nasa 33.8 degrees Celsius naman ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.
Patuloy ang paalala ng PAGASA na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.