121 OFW mula sa Algeria, nakauwi na ng Pilipinas
Nakabalik na ng Pilipinas ang mahigit 100 overseas Filipino workers (OFW) mula sa Algeria, araw ng Lunes (April 27).
Sinalubong ng ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa DFA, pinangasiwaan ng Philippine Embassy sa Libya ang ligtas na pagbalik ng mga OFW katuwang ang JGC Corporation.
Dumaan ang mga OFW sa “One-Stop Shop” para maasistihan sa ilang proseso kabilang ang pagdala at pag-accommodate para sa 14 araw na mandatory quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.