Mag-asawa nandaya sa ayuda ng DSWD sa Valenzuela; lalaki ipinakulong ng LGU

By Dona Dominguez-Cargullo April 27, 2020 - 10:32 AM

Ipinakulong ng Valenzuela City government ang isang lalaking residente matapos siya at kaniyang live-in partner ay kapwa mag-claim ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinatawag sa tanggapan ni Mayor Rex Gatchalian ang dalawa na live-in partner mula sa Gen. T de Leon.

Kapwa umamin ang dalawa sa ginawang panloloko.

Parehong kumuha ng SAC form ang magka live-in at nag-fill up ng form kahit na limitado lang ito para sa isang pamilya.

Parehong beneficiaries din ang inilathala nila sa mga SAC form.

Dahil sa ginawang panloloko ay ipinakulong ang lalaki at sasampahan ng kasong falsification of public documents at estafa.

 

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, mayor rexgatchalian, News in the Philippines, Radyo Inquirer, SAC, sap, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, valenzuela, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, mayor rexgatchalian, News in the Philippines, Radyo Inquirer, SAC, sap, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.