Mahigit 2 milyong manggagawa nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic
Umabot na sa mahigit 2 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemic ng COVID-19.
Ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE, ang mga apektadong manggagawa dahil sa COVID-19 ay nasa 2,073,362 na.
Sila ay pawang mula sa mahigit 79,271 na establisyimento na napilitang huminto sa operasyon.
Sa kabuuan maroong mayroong 1.4 million na manggagawa na apektado ng temporary closure ng mga negosyo.
Habang 687,000 naman ang nabawasan ang income o sweldo dahil sa alternatibong work arrangements ng kanilang kumpanya.
Pinakaraming apektadong manggagawa ayon sa DOLE ay sa NCR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.