66,000 na empleyado ng San Miguel Corp. tatanggap ng buong sahod sa kasagsagan ng quarantine
Buong sweldo pa rin ang makukuha ng mahigit 66,000 na empleado ng San Miguel Corporation kabilang ang mga consultant at contract workers.
Ayon kay San Miguel Corp. President at COO Ramon Ang, nai-release na ang buong compensation benefits ng kanilang 66,557 na empleyado na aabot sa P3 bilyon.
Sinabi rin ni Ang na kahit may grace period na ibinagay ang gobyerno sa pagbabayad ng buwis ay magbabayad on-time ang kumpanya sa obligasyon nito sa pamahalaan.
Nakalaan na ang P11.67 billion na bayarin ng SMC sa gobyerno.
Naibayad na ng kumpanya ang P8,77 billion habang ang balanse ay ibibigay bago matapos ang umiiral na ECQ.
Kasabay nito ay tuluy-tuloy ang pagbibigay ng donasyon ng San Miguel Corporation, kabilang ang pamamahagi ng alcohol sa mga ospital, pagkain, flour, libreng toll, at pamimigay ng PPE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.