Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 83 na

By Mary Rose Cabrales April 27, 2020 - 05:22 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, April 26 6PM) umakyat na sa 83 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 .

Sa nasabing bilang ay mayroong 12 pulis na nakarecover na habang may 3 nasawi.

Tumaas din ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 126 na at 567 naman ang suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

 

 

TAGS: covid cases, covid patients, PNP, covid cases, covid patients, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.