Umakyat na sa 212 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan City.
Batay sa San Juan City COVID-19 update hanggang 5:00, Linggo ng hapon (April 26), 129 ang naka-confine pa sa mga pagamutan at nakasailalim sa quarantine.
266 naman ang suspect cases sa lungsod at walang probable cases.
Samantala, nadagdagan naman ang bilang ng mga gumaling sa lungsod na ngayon ay 48 na.
35 naman ang total deaths ng COVID-19 pandemic sa San Juan City.
Ayon kay Mayor Francis Zamora, bumabagal na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Muli namang nagpaalala ang alkalde sa mga residente na sundin ang mga patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF), physical distancing at iba pang precautionary measures.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.