Singapore, nakapagtala ng karagdagang 931 COVID-19 cases
Mahigit 900 ang nadagdagan na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.
Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng panibagong 931 na kaso hanggang 12:00, Linggo ng tanghali (April 26).
Dahil dito, umabot na sa 13,624 ang kabuuang COVID-19 cases sa nasabing bansa.
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
Sa nasabing bilang, sinabi ng Ministry of Health na 15 ay Singaporean o permanent residents.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.