40 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Cebu City
Nadagdagan pa ang bilang ng nagpositibong residente ng Cebu City sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Edgar Labella, nasa 40 ang napaulat na bagong tinamaan ng COVID-19 sa lugar.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga sumusunod na barangay:
– Sitio Sto. Niño, Cabantan, Barangay Luz – 13
– Sitio San Vicente, Cabantan, Barangay Luz – 8
– Sitio Lubi, Cabantan, Barangay Luz – 1
– Sitio Magsaysay, Barangay Suba – 7
– Blk 3 Missionaries, Barangay Suba – 5
– Calumpang, Brgy Inayawan – 3
– Sitio Pa-ilob, Barangay Sambag 2 – 1
– Sitio Ponce, Barangay Capitol Site – 1
– Cebu City Jail – 1
Dinala na aniya ang mga pasyente sa Barangay Isolation Centers.
Patuloy din ang isinasagawang contact tracing, testing at confinement protocols ng Cebu City Health Department sa mga apektadong barangay.
Sa kabuuan, nasa 451 na ang bilang ng COVID-19 sa Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.