Mga nahuling lumabag sa home quarantine sa Navotas, umabot na sa 1,150
Nadagdagan pa ng 25 ang bilang ng nahuling lumabag sa ipinatutupad na home quarantine sa Navotas City.
Sa datos ng pamahalaang lungsod ng Navotas, umabot na sa 1,150 ang naarestong home quarantine violators.
Naitala ang nasabing datos mula March 20 hanggang 6:00, Linggo ng umaga (April 26).
Maliban dito, lima pang menor de edad ang nahuli ng mga otoridad.
Dahil dito, nasa 517 na ang bilang ng mga menor de edad na nahuling home quarantine violators mula March 20 hanggang April 26.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, may ilang nahuli dahil sa pagpapalipad ng saranggola.
“May mga nahuhuli pong lumalabas ng bahay, bata man o matanda, para magpalipad ng saranggola. Alam kong masarap magpalipad ng saranggola, pero hindi po pwede ‘yan sa panahong ito,” pahayag ng alkalde.
Paliwanag nito, mahalaga sa ngayon na manatili sa bahay para hindi na kumalat ang COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.