Palasyo sa NPA: Humingi muna ng tulong sa gobyerno kung nahihirapan sa gitna ng COVID-19 crisis

By Chona Yu April 26, 2020 - 02:36 PM

Pinapayuhan ng Palasyo ng Malakanyang ang New People’s Army (NPA) na humingi na lamang ng tulong sa pamahalaan kung nahihirapan nang makaagapay dahil sa COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, hindi kasi makatarungan na tambangan na lamang ang mga sundalo at agawin ang relief goods na ipamimigay sana sa mga apektado ng COVID-19.

Sinabi pa ni Roque na dahil walang trabaho ang mga rebelde, maari silang mag-qualify sa mga cash subsidy program ng pamahalaan.

Mahalaga aniya na ibaba muna ng mga rebelde ang kanilang armas.

“Alam ninyo, kung kinakailangan po ng ayuda ng NPA dahil jobless naman sila, baka mag-qualify po sila. So, kinakailangan ay ibababa na po muna nila ang kanilang mga baril at pumila gaya ng lahat ng mga nangangailangan para sa ayuda sa gobyerno; pero huwag namang gagamitin ang baril para kumuha ng mga pangangailangan para sa mga panahong ito,” pahayag ni Roque.

Una rito, nagbanta si Pangulong Rodrigo Duteete na idedeklara ang martial law kung patuloy na manggulo ang NPA habang abala ang pamahalaan sa pagtugon sa problema sa COVID-19.

Dalawang sundalo ang nasawi nang tambangan ng NPA ang tropa ng militar sa Aurora Province noong April 21 habang inaayudahan ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namamahagi ng relief goods.

TAGS: COVID-19 crisis, Inquirer News, NPA, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, COVID-19 crisis, Inquirer News, NPA, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.