“Balik-Probinsya” program: long-term plan para paluwagin ang NCR — Sen. Bong Go

April 25, 2020 - 08:48 PM

Binigyang-linaw ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, araw ng Biyernes, April 24, kailangan planuhin ng tama at maayos ang mungkahi ng National government na paghandaan ang ‘Balik-Probinsiya’ programs na ipatutupad pagkatapos ng krisis dulot ng COVID-19.

Ang ‘Balik-Probinsiya’ programs ay sa layuning paluwagin ang Metro Manila kasabay nang pagpapalakas ng kaunlaran sa ibang mga rehiyon.

Ayon kay Go, kailangan ng buong pakikiisa at pagtalima sa lahat ng ahensiya ng gobyerno maging ng pribadong sektor.

“(Balik-Probinsya) is a long-term plan to encourage them na bumalik sa ating probinsya. Kailangang pag-aralan at planuhin ito nang mabuti kung paano sila bigyan ng kabuhayan. Hindi ito immediate na ngayon (i-implement) kasi may mga quarantine protocols pa tayo na sinusunod,” Sabi ni Go.

“Right now, our priority is to manage the pandemic. Nirerespeto natin itong ECQ, GCQ guidelines. Ang primary purpose ng mga iyan ay to manage and overcome this present crisis,” dagdag pa nito.

Gayunman, ipinunto ng Senador na kailangan nang paghandaan ng gobyerno ang susunod na hakbang para makatugon ang bansa sa “new normal” matapos ang COVID-19 crisis. Ang mungkahi niya ay matapos mabatid na ang pagkakaroon ng labis-labis na populasyon sa mga komunidad sa Metro Manila ang siyang nagpapabilis para kumalat ang infectious diseases tulad ng COVID-19 at nagpahina naman sa kakayahan ng gobyerno na ayudahan ang lahat ng apektadong mamayan.

“Ngayon, mas nararamdaman natin ang matagal nang pinupunto ng Pangulo na kailangan talaga i-develop ang iba pang probinsiya para mabawasan ang tao sa Metro Manila. Masyadong masikip dito, mabilis kumalat ang sakit. Masyado ring maraming tao, hirap na hirap tayong maalagaan lahat ng apektado,” Sabi ni Go.

Ipinunto rin ni Go, na siyang Chair ng Senate Committee on Health and Demography, na 70% ng COVID-19 cases sa bansa ay nasa Metro Manila at ang madalas na problema ilang dekada na ang nagdaan ay ang mabigat na bilang ng populasyon sa mgakomunidad.

“Planuhin na po natin itong ‘Balik-Probinsya’ program. Matagal na rin po natin itong naririnig na problema. Dikit-dikit po ang mga bahay kaya nasusunugan… Kotse, dikit-dikit, may malalang traffic… Pati mga tao, dikit-dikit, kaya tayo nagkakahawaan sa COVID-19,” Paliwanag ni Go.

Binanggit din ni Go na maging si Pangulong Duterte ay suportado ang programa. “Sumang-ayon naman po si Pangulong Duterte sa programa. Marami tayong natutunan sa krisis na ito.”

Sa kanyang televised speech, ay I ihayag ng Pangulo at ng iba pang executive agencies ang suporta sa mungkahi ni Go, sa pagsasabing, ang bagong panimula sa probinsiya ay magbibigay ng pag-asa para sa magandang kinabukasan ng mga Filipino.

“Maganda ‘yan, Bong. Going home to the province would help and would mean going back there… we would give them hope. Importante ‘yan eh… some of them might really leave the city of Manila or its environment with a heavy heart. But we have to provide the transportation. What is really very important is we give them hope. It’s very important, ‘yung hope ng tao,” saad ng Pangulo.

At para mahikayat ang pribadong sektor na mamuhunan sa mga lalawigan, sinabi ng Department of Trade and Industry na magkakaloob sila ng insintibo sa mga negosyo na magbubukas sa mga probinsiya. Magbibigay din ang gobyerno ng financial assistance at abot-kayang pautang sa mga nagnanais magbukas ng micro, small or medium enterprises sa mga lalawigan.

“Maraming sumasang-ayon na ilagay na rin ang national offices sa probinsya. Papakinggan natin ‘yan para ma-decongest ang Metro Manila. Maraming probinsya ang may potensyal… tingnan mo paligid niya, green ang lugar, presko ang hangin at maraming lupa na pwedeng paglagyan ng iba’t ibang negosyo. Hindi pa ganoon kasikip,” aniya pa.

Sabi ni Go, ang naturang programa ay kasalukuyan nang pinag-aaralan ng gobyerno. “Kasalukuyan na pong pinag-aaralan ang mga hakbang para ma-implement ito sa tamang panahon pagkatapos nitong COVID-19 crisis. As legislator, inaaral ko rin anong legislative action ang kailangan to support the program.”

Ipinunto pa ng Senador na ang decongestion sa Metro Manila ay kalaunan ay makatutulong para maresolba ang matagal nang isyu sa overpopulation, heavy traffic, pollution, pati na rin sa paghahanda sa posibilidad ng paglaganap ng mga sakit, iba pang mga krisis at natural disasters.

Sa kabila nang lumalagong ekonomiya, ipinunto ni Go na ang Pilipinas ay nananatiling pinakamalawak na agricultural country na ang iba ay nakatiwangwang na lupa sa mga kanayunan na maaring gawing sakahan.

“The government may facilitate the utilization of some of these idle lands for the productive use of people who will be relocated from Metro Manila and other metropolitan areas,” mungkahi nito.

“Coupled with tax reforms and more aggressive support for MSME development, the government may be able to create a business environment conducive for more investments in the countryside,” pagliwanag niya.

Sa pamamagitan ng pag-uuganyan ng higher educational institutions at technical and skills development centers, ay inerekumenda rin ni Go sa mga kanayunan na maihanda ang kinakailangang human resource para sa mga bagong negosyo sa kanilang mga komunidad.

“Sa ‘Balik Probinsya’ program, hindi lang natin naiiwasan ang mas mabilis na pagkalat ng sakit. This proposal is also about equitable distribution of the gains of our fast developing economy, balanced development of the urban and rural areas and poverty alleviation,” dagdag pa ni Go.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.