Pinay caregiver sa Taiwan ide-deport dahil sa anti-Duterte posts

By Jan Escosio April 25, 2020 - 05:43 PM

PHOTO COURTESY: POLO Taichung/FACEBOOK

Nanganganib na pauwiin sa Pilipinas ang isang Filipina caregiver sa Taiwan dahil sa kaniyang social media posts na bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag na inilabas ni Labor Attache Fidel Macauyag, kinilala ang caregiver na si Elanel Ordidor.

Ayon kay Macauyag, noong Abril 20, binisita na nila si Ordidor sa Yunin County at pinaliwanagan ukol sa kaniyang mga post sa Facebook.

Aniya, nangako naman ang caregiver na tatanggalin na ang uploaded videos nito laban kay Pangulong Duterte matapos sabihan na maari siyang kasuhan sa Pilipinas at Taiwan.

Ngunit makalipas ang ilang oras, may mga post muli sa Facebook account ng POLO Taichung na nagpapahayag ng suporta kay Ordidor.

Sinabi ni Macauyag na gumagamit ng ibang accounts si Ordidor at bumuo pa ito ng grupo para siraan si Pangulong Duterte.

Bunga nito, kinausap na ng opisyal ang amo ni Ordidor at ipinaliwanag ang nilalabag ng caregiver na Republic Act 10175 (Cyber Crime Act).

Dagdag pa ni Macauyag, layon ng mga post ni Ordidor na maghasik ng galit sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

TAGS: anti-Duterte posts, breaking news, Cyber Crime Act, Elanel Ordidor, Inquirer News, Labor Attache Fidel Macauyag, Radyo Inquirer, Republic Act 10175, anti-Duterte posts, breaking news, Cyber Crime Act, Elanel Ordidor, Inquirer News, Labor Attache Fidel Macauyag, Radyo Inquirer, Republic Act 10175

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.