May-ari ng Facebook account na nagkalat ng pekeng balita, kinasuhan

By Angellic Jordan April 25, 2020 - 03:37 PM

QCPD photo

Sinampahan ng kaso ang may-ari ng isang Facebook account dahil sa pagkakalat ng pekeng balita sa social media.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), batay sa post, araw-araw umano siyang nakakatanggap ng hygiene kit na may kasamang P3,000 mula kay Mayor Joy Belmonte at sa Barangay Sangandaan.

Kinasuhan ng Anti-Cybercrime Team-QCPD, sa ilalim ng pamumuno ni QCPD Director Police Brig. Gen. Ronnie Montejo, ang may-ari ng Facebook account.

Muli namang nagpaalala ang QCPD na huwag maging biktima ng mga kumakalat na pekeng balita.

TAGS: fake news, QCPD, fake news, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.