Quarantine violators sa South Korea gagamitan na ng electronic wrist band
By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2020 - 07:51 PM
Gagamit na ang South Korea ng electronic wristbands sa mga mamamayan nilang lumalabag sa home-quarantine.
Ayon kay Vice Health Minister Kim Gang-lip kung hindi isusuot ang wristband ay dadalhin sa shelters at sila ang pagbabayarin sa accommodation.
Sa ngayon mayroong 46,300 na katao sa South Korea na sumasailalim sa self-quarantine.
Lumobo ang bilang ng mga nakasailalim sa quarantine simula nang ipatupad ang mandatory 14-day quarantine sa lahat ng mamamayan nila na umuuwi sa bansa.
Bagaman ang mga naka-quarantine ay pinagda-download ng tracking app sa kanilang mobile phones, may iba pa ring sumusuway at lumalabas.
Iniiwan nila ang mobile phone sa bahay para hindi mahuli.
Ang wristbands na ipasusuot ay may kuneksyon sa phone apps sa pamamagitan ng bluetooth at iaalerto ang mga otoridad kapag umalis ng bahay ang naka-quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.