Halos 5,000 nahuling lumabag sa curfew sa Maynila mula noong March 16
Simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine umabot na sa halos 5,000 ang naarestong curfew violators sa Maynila.
Kagabi umabot sa 200 ang naaresto, dahil dito umabot na sa 4,945 ang bilang ng mga lumabag sa curfew na nadakip.
Ang Station 4 o Sampaloc Police Station ang may pinakamaraming nahuling lumalabag sa ECQ protocols ng national government.
Indikasyon ito ayon kay Manila Mayor Isko Moreno na kung saan maraming enhanced community quarantine violators ay doon din madaming kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.