Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Turkey mahigit 100,000 na
By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2020 - 04:04 PM
Sumampa na sa mahigit 100,000 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa Turkey.
Ayon sa health ministry office ng Turkey, mayroon silang naitalang 3,116 na bagong kaso sa magdamag.
Dahil dito umabot na sa 101,790 ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mayroon namang 2,491 na nasawi sa Turkey.
Nagsimula na ang 4-day lockdown sa 31 lungsod sa Turkey kabilang ang Ankara at Istanbul.
Ayon sa Turkish Medical Association, halos 3,500 ng kanilang health workers ay infected ng sakit at 24 na ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.