Sesyon ng senado balik na sa May 4 kahit may ECQ extension
By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2020 - 11:37 AM
Kahit pinalawig ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang mga lugar ay tuloy ang balik-sesyon ng Senado sa May 4.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III kailangang mag-convene na ng senado.
Mandato nila ito sa ilalim ng legislative calendar.
Sinabi rin ni Sotto na physically present ang mga senador sa pagbabalik ng sesyon.
Noong March 23 ay naglabas ng bagong seating arrangement sa Session Hall ng Senado kung saan sinisiguro ang pagkakaroon ng social distancing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.