800 pang OFW nakabalik na sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2020 - 10:47 AM

Umabot na sa mahigit 19,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakabalik na sa bansa.

Sila ay pawang nagpa-repatriate sa pamahalaan dahil sa pangamba sa pandemic ng COVID-19 sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan.

Ang iba naman ay naapektuhan ng lockdown at nawalan ng trabaho.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ay 800 OFWs pa ang napauwi sa bansa.

Ang pinakahuling batch ng mga OFW na dumating ay mula sa United Kingdom, Equatorial Guinea, Democratic Republic of Congo, and Australia.

Ngayong araw at sa mga susunod pang araw ay may mga pauwi pang OFW.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.