Desisyon ni Pangulong Duterte kaugnay sa ECQ, iaanunsyo ngayong araw

By Angellic Jordan April 23, 2020 - 10:37 PM

Inanunsiyo ng Palasyo ng Malakanyang ang petsa at oras kung kailan ilalabas ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Sa Twitter, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ilalabas ang public address ng pangulo bandang 8:00, Biyernes ng umaga (April 24).

Sa naturang public address inaasahang iaanunsiyo ng pangulo kung palalawigin muli ang umiiral na ECQ o gagawing modified.

Sa ibinahaging larawan ni Senador Christopher “Bong” Go, makikitang nakapulong ng pangulo ang ilang miyembro ng kaniyang Gabinete, Huwebes ng gabi (April 23).

TAGS: breaking news, enhanced community quarantine, Inquirer News, President Duterte's public address, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, breaking news, enhanced community quarantine, Inquirer News, President Duterte's public address, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.