Bilang ng Filipino sa abroad na COVID-19 positive, nadagdagan ng walo

By Angellic Jordan April 23, 2020 - 05:30 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 23, nasa 1,122 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 43 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 653 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 307 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nadagdagan ng tatlo ang nasawing overseas Filipino. Dahil dito, 162 na ang bilang ng Pinoy abroad na nasawi dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 374 na kaso.

Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 302 na kaso, Middle East/Africa na may 165 na kaso habang ang Americas naman ay may 281 cases.

TAGS: COVID-19 affected overseas Filipinos, DFA, Inquirer News, Radyo Inquirer news, COVID-19 affected overseas Filipinos, DFA, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.