SMC bibili ng 4 million kilos ng surplus corn mula sa DA
Nakikipag-ugnayan ang San Miguel Corporation (SMC) sa Department of Agriculture (DA) para sa mass purchase ng agricultural products bilang tulong sa mga magsasaka sa bans ana apektado ng enhanced community quarantine.
Uumpisahan ito ng SMC sa pagbili ng 4 na milyong kilong surplus corn.
Ayon sa SMC, ang surplus corn ay gagamitin para makapag-produce ng feeds at maipapakain sa 7 milyong live broilers.
Nakipag-ugnayan na din ang SMC sa DA para magamit ang mga Petron stations sa buong bansa para paglagyan ng “Kadiwa ni Ani at Kita” rolling store ng ahensya.
Ito ay para mailapit sa publiko ang mga panindang prutas at gulay ng DA.
“Through this program with the Agricultural department, we will be able to keep our farmers afloat as we navigate these uncertain times. At the same time, we also help people stay safe, healthy and nourished by providing them a convenient way to buy fresh fruits and vegetables from our local farmers,” ayon kay SMC president at COO Ramon S. Ang.
Inisyal na target na venue ng Kadiwa ang mga Petron station sa Filinvest, Dasmarinas/EDSA at Katipunan/La Vista.
Ayon kay Ang mas marami pang gas stations ang paglalagyan ng Kadiwa sa susunod na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.