Pahayag ng 2GO na hindi na maniningil sa gobyerno sa paggamit ng quarantine ships welcome development

By Erwin Aguilon April 23, 2020 - 11:34 AM

Pinasalamatan ng Department of Transportation (DOTr) ang management of 2GO Group, Inc, partikular ang kanilang Chairman of the Board na si Dennis Uy matapos ianunsyo sa publiko na hindi na nito sisingilin ang pamahalaan sa pagpapagamit ng dalawang barko bilang quarantine facilities.

Sa statement ng DOTr, sinabi nito na welcome development ang pahayag ng negosyanteng si Uy at ng pamunuan ng 2GO dahil sa dagdag na tulong sa gobyerno.

Nagpapakita lamang anila ito ng Bayanihan spirit sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektong sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Nauna rito umani ng batikos sa publiko ang sinabi ni Transport Secretary Arthur Tugade sa Laging Handa Press Briefing na mayroong babayaran ang gobyerno sa 2Go para sa paggamit ng dalawanf barko nito bilang quarantine facilities.

Gayunman, nilinaw ni Transport Assistant Secretary for Communications Goddes Libiran na sa initial negotiation sa 2GO Shipping ay P120M ang babayaran ng gobyerno pero napababa ito ng negotiating panel hanggang P35M para sa paggamit ng dalawang barko sa loob ng dalawang buwan.

Sinabi ni Libiran na ang P35M ay para lamang sa operating expenditures ng dalawang barko tulad ng fuel, electricity, water, maintenance, supplies, at suedo ng mga crew at hotel staff.

Ayon naman kay Tugade, hanggat hindi niya nakakausap ang may-ari ng 2GO upang humingi pa ng bawas sa P35 million na rate ay walang ilalabas na bayad ang pamahalaan.

Hindi rin sabi ng DOTr nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap si Tugade at Uy para magnegosasyon sa paggamit ng mga barko ng 2GO dahil ang negosasyon ay sa pamamagitan ng negotiation panel ng shipping company.

Unforunate din para sa kagawaran na nakaladkad ang pangalan ng negosyante sa usapin kahit na hindi ito naging bahagi ng pag uusap at hindi rin naman binanggit ng kalihim sa kanyang interview.

 

 

 

TAGS: 2Go, covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2Go, covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.