WHO chief tumangging magbitiw sa pwesto; umapela sa US na ibalik ang ayuda
Umaasa ang World Health Organization (WHO) na muling pag-aaralan ng Estados Unidos ang pasya nitong ihinto ang pagbibigay ng tulong-pinansyal sa ahensya.
Sa kaniyang press briefing, sinabi rin ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus na patuloy siyang magtatrabaho para magsalba ng buhay sa kabila ng mga panawagan na magbitiw siya sa pwesto.
Sinabi ni Tedros na magpapatuloy ang pagganap niya sa kaniyang tungkulin.
Ilang Republican lawmakers sa Amerika ang nananawagan kay Trump na ibalik ang pondo sa WHO sa kondisyong magbibitiw sa pwesto si Tedros.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.