Heat index sa Metro Manila kahapon umabot sa 42 degrees Celsius ayon sa PAGASA
Pumalo sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Science Garden, Quezon City kahapon.
Naitala ang nasabing heat index ala 1:50 ng hapon ayon sa PAGASA.
Ang naitala namang maximum na temperatura kahapon ay 35.2 degrees Celsius.
Ayon sa PAGASA bagaman mas mababa ang temperatura kahapon kumpara noong Martes, mas marami naman ang moisture sa hangin kaya matinding alinsangan ang naranasan.
Kapag mas marami ang moisture sa hangin, mas mabagal ang pag-evaporate ng pawis kaya mas umiinit ang pakiramdam ng katawan.
Ayon sa PAGASA, maaring mapanganib ang 42 degrees Celsius na heat index dahil posible itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke kapag tuluy-tuloy ang physical activity.
Pinapaalalahanan ang publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress ngayong tag-init.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.