Ilang karagdagang quarantine facility, nag-umpisa nang tumanggap ng COVID-19 patients – DOH
Nagsimula nang tumanggap ang ilang karagdagang quarantine facility ng mga pasyenteng apektado ng COVID-19 sa araw ng Miyerkules, April 22.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang dito ang Philippine International Convention Center (PICC), ASEAN Convention Center sa Central Luzon at World Trade Center na gagamitin para sa mga overseas Filipino worker (OFW).
Narito aniya ang bed capacity sa mga sumusunod na quarantine facilities:
– PICC – 294
– ASEAN Convention Center – 150
– World Trade Center – 502
Samantala, sinabi ni Vergeire na hindi natuloy ang pagbubukas ng New Clark City Nationao Government Administration Center noong Martes, April 21.
Paliwanag nito, kailangan pang magsagawa ng ilan pang safety measures at inspection para masiguro ang kaligtasan ng mga pasyente at healthcare workers sa pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.