BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umakyat na sa 6,710
Patuloy pa rin ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (April 22), 6,710 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
111 ang bagong naitalang kaso nito sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Siyam namang pasyente ang nasawi sa magdamag kung kayat ang COVID-19 related deaths sa Pilipinas ay 446 na
Samantala, 39 pasyente ang bagong naitalang gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, umabot na sa 693 ang total recoveries ng sakit sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.