Mga suhestyon hinggil sa petsa ng pagbubukas ng SY 2020-2021 aaralin ng DepEd
By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2020 - 08:34 AM
Sisimulan nang pag-aralan ng Department of Education (DepEd) ng mga suhestyon hinggil sa petsa ng pagbubukas ng klase para sa School Year 2020-2021.
Naglunsad ng national survey ang DepEd at hiningi ang opinyon ng publiko sa petsa ng pagbubukas ng klase.
Sa pagtatapos ng survey ayon sa DepEd ay umabot sa mahigit 833,000 na sagot ang kanilang natanggap.
Tiniya kng kagawaran na ikukunsidera ang mga sagot at opinyon na ipinadala sa kanila sa nasabing survey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.