3 dagdag na molecular laboratories itatayo ng Red Cross ngayong linggo
By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2020 - 07:58 AM
Magtatayo ng dagdag na molecular laboratories ang Philippine Red Cross (PRC) ngayong linggo.
Ayon kay Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, ang naturang mga laboratoryo ay kayang makapagsagawa ng 1,200 na test kada araw.
Pinasalamatan naman ni Gordon ang mga kumpanya na tumulong at nag-donate para sa mga laboratoryo ng Red Cross.
Ang unang molecular laboratory ng Red Cross ay na nasa headquarters nito sa Mandaluyong nagagamit na ngayon at nakapagpoproseso na ng COVID-19 test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.