9 na Pinoy sa Hong Kong ginagamot pa sa ospital dahil sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2020 - 07:32 AM

Mayroon pang siyam na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong ang ginagamot sa ospital dahil sa COVID-19.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, limang babae at apat na lalaki na OFWs ay nagpapagaling sa iba’t ibang ospital.

Tiniyak ng konsulada na nabibigyan sila ng karampatang tulong at atensyon.

Bagaman bumababa na ang bilang ng mga Pinoy na apektado ng COVID-19 sa Hong Kong ay patuloy ang paalala ng konsulada na maging maingat.

Manatili lamang sa bahay at iwasan ang magtungo sa matataong lugar.

 

 

TAGS: COVID, covid pandemic, COVID-19, Health, Hong Kong, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID, covid pandemic, COVID-19, Health, Hong Kong, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.