Kahit anim na buwan nang nawawala, patuloy na nakakatanggap ng sahod mula sa pamahalaang lungsod ng Makati ang matagal nang sekretarya ni Vice President Jejomar Binay na si Eduviges “Ebeng” Baloloy.
Napag-alaman pa ng Inquirer na si Baloloy na nagretiro matapos sya ay mawala ay tumanggap din ng tseke para sa kanyang retirement benefits mula sa Makati government noong lamang nakaraang Lunes o dalawang araw matapos na umalis si suspended Mayor Junun Binay sa City Hall.
Si Baloloy ay sumasahod ng kabuuang P60 libong piso mula sa Makati City government.
Si Baloloy kasama ang pinagkakatiwalaang financial aide ni Vice President Binay na si Gerardo “Gerry” Limlingan ay parehong nawala noong nakaraang taon matapos na umpisahan ng Senate Blue Ribbon Sucommitee ang imbestigasyon nito sa umanoy mga katiwalian sa Makati.
Una nang ipinag-utos ng Senate Blue Ribbon Committe ang pag -aresto kina Baloloy, Limlingan at 12 iba pa dahil sa patuloy na paglabag sa kautusan ng Senado na humarap sa pagdinig ng komite partikular sa isyu ng umano’y overpricing sa pagpapagawa ng Makati City Hall Building 2.
Nauna nang sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV na na ang bansa sina Limlingan at Baloloy pero itinanggi na ito ng Bureau of Immigration./ Alvin Barcelona
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.