Easterlies patuloy na umiiral sa bansa – PAGASA
Eaterlies pa rin ang patuloy na umiiral sa bansa ngayong araw ng Miyerkules (April 22).
Ayon sa 4AM PAGASA weather update, mainit at maalinsangang panahon ang patuloy na mararanasan sa bansa ngayong araw.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon ang mararanasan na may mga posibilidad na mga pag-ulan sa Northern Luzon.
Sa loob ng 24 oras ay makararanas ng magandang panahon ang natitirang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon at maaraw pa rin na may posibilidad ng panandaliang buhos ng ulan sa hapon o gabi.
Ang Visayas at Mindanao ay makakaranas din ng magandang panahon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon at maaraw na may posibilidad ng mga pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.
Wala namang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat kaya’t malayang makapaglalayag ang ating mga mangingisda at mga mayroong maliliit na sasakyang pandagat.
Samantala, wala namang binabantayang sama ng panahon o low pressure area (LPA) na makakaapekto sa bansa sa loob ng tatlo hanggang limang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.