Maximum na temperatura sa Metro Manila kahapon umabot sa 35.8 degrees Celsius
By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2020 - 05:26 AM
Mainit at maalinsangang panahon ang naranasan sa Metro Manila kahapon araw ng Martes (April 21).
Ayon sa PAGASA, umabot sa 35.8 degrees Celsius ang naitalang maximum na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City kahapon.
Mas mataas kumpara sa 35 degrees Celsius na maximum temperature na naitala noong Lunes.
Ayon sa PAGASA umabot sa 39 degrees Celsius ang heat index na kanilang naitala dakong alas 3:10 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.