Bicol region, nakapagtala ng tatlong karagdagang kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng panibagong tatlong kaso ng COVID-19 sa Bicol region.
Sa huling datos ng DOH CHD Bicol hanggang 5:00, Martes ng hapon (April 21), nasa 28 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Napaulat ang mga kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Catanduanes – 1
– Camarines Sur – 6
– Albay – 21
Sa ngayon, 10 ang itinuturing na ‘suspect’ sa COVID-19 habang wala namang ‘probable.’
Nasa walong pasyente ang nananatili pa sa mga pagamutan habang dalawa ang nakasailalim sa home quarantine.
Sinabi pa ng DOH CHD Bicol na 16 pasyente sa rehiyon ang gumaling at walo ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.