Nag-donate ang Philippine Basketball Association (PBA) ng personal protective equipment (PPE) sa tatlong lungsod sa Luzon.
Ayon sa PBA, layon nitong makatulong sa mga nagsasakripisyong front liner sa gitna ng krisis sa COVID-19.
Ipinamahagi ang PPE, face masks, gloves at iba pang protective gear sa Pasig, Antipolo at Biñan sa Laguna.
Personal na nagtungo si Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo sa opisina ng PBA sa Quezon City para kunin ang medical supplies para sa Pasig Children’s Hospital, Pasig City General Hospital, at Rizal Medical Center.
Nakipag-ugnayan din ang PBA kina Antipolo City Mayor Andrea Ynares, Biñan City Rep. Len Alonte at Vice Mayor Angelo Alonte para sa iaabot na donasyon.
Regular na nakapagsasagawa ng mga laro ang PBA sa tatlong lungsod partikular sa Philsports Arena sa Pasig; Ynares Center sa Antipolo; at sa Alonte Sports Arena sa Biñan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.