Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa QC 1,062 na
By Dona Dominguez-Cargullo April 21, 2020 - 06:32 AM
Umakyat na sa 1,062 ang bilang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa nasabing bilang, 903 ang tukoy na ng lokal na pamahalaan ang kumpletong address.
Mayroon namang 94 na pumanaw sa COVID-19 sa Quezon City at 92 ang naka-recover o gumaling na.
Mayroon ding 183 na suspected cases ng COVID-19 sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.