Recruiters ni Veloso, tumangging magpasok ng apela sa kasong human trafficking

By Jan Escosio February 12, 2016 - 12:01 AM

 

Inquirer file photo

Napilitan ang korte na magpasok ng not guilty plea para sa mga akusadong sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao, ang itinuturong mga recruiter ng OFW na nasa death row sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.

Ito ay dahil tumanggi ang dalawa na magpasok ng kanilang sariling ‘plea‘ sa kinahaharap nilang kasong human trafficking sa Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 37 sa bayan ng Baloc.

Humarap da korte sina Sergio at Lacanilao para sa pagbasa sa kanila ng sakdal.

Noong nakaraang buwan, ibinasura ng korte ang kanilang mosyon na ipagpaliban pa ang pagdinig sa kanilang kaso.

Magugunita na ang dalawa ang itinuturong nag-recruit kay veloso na nahuli naman sa Indonesia matapos madiskubre sa kanyang maleta ang nasa 2.6 kilo ng heroin April 2010.

Kamatayan ang iginawad na hatol kay Veloso ngunit ipinagpaliban ito ng Indonesian government matapos lumantad ang recruiter ni Veloso.

Sa hiwalay naman na mga kaso ng illegal recruitment at estafa nagpasok ng not guilty plea sina Sergio at Lacanilao./ jan Escosio

Excerpt: Ang korte na ang nagpasok ng plea para sa dalawang recruiter ni Veloso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.