Employer na umabandona sa construction workers sa Pasig dapat managot
Pinanapanagot ni House Appropriations Committee Chairman Eric Yap sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang employer ng mahigit 100 construction workers na inabadona sa project site sa Ortigas, Pasig City.
Sa liham kay Labor Sec. Silvestre Bello III, hiniling ni Yap na maimbestigahan ang Cecon Builders and E.A. Escauso Masonry Contractor dahil basta na lang pinabayaan ang kanilang mga manggagawa sa Exchange Square Project nang wala man lang pera o pagkain.
Sabi ng kongresista, malinaw na lumabag ang kumpanya sa kanilang responsibilidad na sundin ang itinakdang requirements ng ahensya kabilang ang pagtiyak sa kapakanan ng mga empleyado.
Napag-alaman mula sa construction workers na walang ibinigay na ayuda ang kumpanya simula nang mag-umpisa ang lockdown
Kasabay nito ay ipinakiusap din ni Yap kay Bello na maisama ang 106 na manggagawa sa COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP ng DOLE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.