Kumalat na audio clip ukol sa umano’y pagpapatupad ng martial law, hindi totoo – PNP
Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na hindi totoo ang kumalat na audio clip kung saan sinabing magpapatupad umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na “fake news” ang audio clips na kumakalat sa mga text message at chat group.
Iimbestigahan aniya ng PNP Anti-Cybercrime ang insidente.
Aarestuhin aniya ang mga nasa likod ng audio clip dahil nagdulot ito ng pagkalito at paniic sa publiko.
Kasabay nito, hinikayat ni Banac ang publiko na maging maingat at iwasan ang pagbabahagi ng mga hindi beripikadong impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.