Pilipinas tatalima sa utos ng WHO na huwag gawing biglaan ang pagbawi sa ECQ
Tiniyak ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases na tatalima ang Pilipinas sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na hindi bibiglain ang pamahalaan ang pagbawi sa enhanced community quarantine.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, pace by pace ang gagawin ng pamahalaan.
Ibig sabihin, pipiliin ang pagbubukas ng mga establisyemenyo at work force na pwedeng papasukin sa trabaho.
Pipiliin din kung anong mga transport system na bubuksan para mapanitli sa physical, social distancing, paghuhugas ng kamay, disinfection at pagsusuot ng mask.
Pananatilihin din ang mga trabaho na work from home.
“Kailangan natin sundin payo ng WHO na dapat hindi pabigla bigla, pace by pace. Dapat siguro targeted, piliin natin mga pwede magbukas at yung work force na pwede payagan magtrabaho, ano yung mass transport na papayagan tapos kailangan constant pa rin physical, social distancing, hugas kamay, disinfection, wearing of mask,” ayon kay Nograles.
Ayon kay Nograles, May mga “do’s and don’ts” silang ilalatag sa pangulo bago pa man matapos ang ECQ sa April 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.