Sen. Bong Go pinapurihan ang implementasyon ng wage subsidy program para sa mga small businesses, middle class
Pinapurihan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga concerned government agencies dahil sa implementasyon ng small business wage subsidy (SBWS) program para sa mga maliliit na negosyo para suportahan ang mga middle class dahil pa rin sa adverse effects ng Coronavirus disease (COVID-19) emergency.
“Nagpapasalamat po tayo sa ating finance agencies dahil dininig nila ang ating apela na suportahan ang mga MSMEs. Tulungan natin ang mga ito na buhayin ang kanilang negosyo dahil sila rin ang bubuhay sa ating ekonomiya lalo na kapag natapos na ang krisis na ito,” ani Go.
Layon din umano ng naturang hakbang na maiahon ang mga maliliit na negosyo at maiahon ang kanilang mga empleyado na karamihan ay nasw lower middle class.
“Hindi lamang po ito malaking tulong sa ating maliliit na negosyo, malaking tulong din po ito para maiahon ang kanilang mga empleyado na karamihan ay galing sa lower middle class,” dagdag ng senador.
Kung maalala, sa televised meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes Abril 13, sinabi ng mga concerned agencies na ilan sa mga small businesses ay panilitang magsara habang marami naman ang nag-operate na may skeletal forces na resulta ng enhanced community quarantine.
Ito ang nagtulak sa pamahalaan na gumawang measures, kabilang na ang SBWS program para tulungan ang small businesses dahil na rin sa impact ng health emergency.
Nagse-set na rin ng guidelines ang Department of Finance (DoF) para madetrrmina kung anong mga firms ang papasok bilang “small business” na makakatanggap ng wage subsidy.
Naglaan dito ang pamahalaan ng wage subsidy na P5,000 hanggang P8,000 kada eligible worker ng mga maliliit na negosyong apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at ilan pang bahagi ng bansa.
Tinatayang aabot sa 3.4 million workers ang makikinabang sa naturang subsidiary.
Ang mga MSME employers ay maa-dentify at maa-assess sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Social Security System.
Sinabi ng DoF na ang mga trabahante sa mga small businesses ay kabilang sa low- to medium-middle class.
Ayon sa DoF, ang subsidy ay para sa dalawang buwan maliban na lamang kung agad nilang tatanggalin ang ECQ.
Aabot naman ang mailalabas na pera ng pamahalaan sa P51 billion.
Sa ngayon, mayroon nang online system para sa mga business owners para doon magsumite ng pangalan ng kanilang mga eligible employees sa pamamagitan ng SSS website at sumailalim na rin sa pilot-testing.
Posible raw itong gamitin ngayong linggo.
Para maiwasan naman ang duplication at masigurong mas maraming Pinoy ang makikinabang sa mga government programs, sinabi ni Go na ang mga beneficiaries ng subsidy program para sa mga MSME employees ay dapat iba lamang sa 18 million poor families na natulungan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hindi rin dapat mag-overlap sa mga apektadong empleyado na natulungan na ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“Huwag natin pabayaan ang iba pang mga apektadong Pilipino na nangangailangan rin ng tulong,” dagdag ng senador.
Maliban sa wage subsidy program, ipinatupad na rin ng pamahalaan sa pamamagitan ng Republic Act No. 11459 o ang “Bayanihan to Heal as One Act” para matulungan ang small businesses, gaya ng pagbibigay ng extensions sa tax filing at payments, may minimum 30-day grace period sa pagbabayad ng mga loan at minimum 30-day grace period sa bayad sa renta.
Nanawagan din si Senator Go, bilang miyembro ng Joint Congressional Oversight Committee na nagmo-monitor sa progress ng Bayanihan to Heal as One Act ng karagdagang suporta mula sa gobyerno.
Inihalimbawa ng senador ang kahalagahan ng kontribusyon ng micro, small and medium-sized enterprises sa ekonomiya ng bansa.
“Importante ang suporta na ito para mapagaan ang pinapasan ng mga negosyo at ng mga empleyado nila. Kung gusto nating mas mabilis manumbalik ang sigla ng ating ekonomiya, mas mainam na ngayon pa lang ay tulungan na natin ang maliliit na negosyante na makabangon. Sisiguraduhin din natin na walang maiiwan na Pilipino. Lahat ng apektado ay tutulungan natin sa abot ng ating makakaya. Magbayanihan po tayo. Together, we can heal as one,” anang senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.