PNP ipinagtanggol ang pagbili ng mga bagong patrol jeeps
Nagpapaliwanag ang PNP kaugnay sa kanilang pagbili ng mga patrol jeeps noong nakaraang taon.
Itoy matapos may magpost sa facebook na kumita umano ang gobyerno ng P1.3Billion sa pagbili ng higit isang libong units ng Mahindra Enforcer mula sa Colombian Autocar Corporation.
Ayon sa PNP, nasa pagitan lamang ng P840,000 hanggang P920,000 ang halaga ng bawat Mahindra Enforcer na kanilang binili.
Taliwas umano ito sa nakasaad sa isang facebook post na nabili ng PNP ang mga Mahindra units sa halagang P1.9Million bawat isa.
Paglilinaw pa ng PNP, dumaan sa tamang public bidding ang pagbili ng mga patrol jeeps kung saan lumahok pa anila ang mga kumpanyang Toyota, Isuzu, Ford, Mitsubishi at ang nanalo sa bidding na Colombian Autocar Corpration na siyang may gawa ng Mahindra.
Idinagdag pa ng pamunuan ng PNP na nakahanda silang humarap sa anumang imbestigasyon para patunayan na hindi nalugi ang pamahalaan sa nasabing kontrata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.